tila malungkot ang langit sa paglisan ng buwan
habang bitbit nito ang mga tala patungo sa kung saan
malamig ang gabi kung ito’y iyong pagmamasdan
habang dahan-dahang naglalakad sa tahimik na daan
tila tahimik ang langit sa paglisan ng buwan
ito marahil ay sadyang naguguluhan
sa kung anu mang maaaring dahilan
kung bakit siya pansamantalang kailangang iwanan
tila iiyak ang langit sa paglisan ng buwan
kalungkutan ay hindi na dapat pang pagtakpan
hinahanap-hanap ang pinangakong katapatan
kakulangan ay ang tanging nararamdaman
No comments:
Post a Comment