Ad Sense

Sunday, November 9, 2008

Alipin

naaalala mo pa nung tayo’y unang nagkita?
hindi inakalang ika’y makikilala
mundo ko at mundo mo’y sadyang pinagtagpo
nararamdama’y bakit hindi natin maitago

naaalala mo pa ba nung tayong dalawa pa?
minuminutong magkausap, oras ay hindi inaalala
mga pangarap, magkasabay nating binuo
alam mong ito’y hindi isang biro

naaalala mo pa ba tuwing tayo’y magkasama?
sabay na naglalakad at hawak kamay pa
araw man o gabi hindi natin napapansin
ang daan na malakaran tila ating inangkin

naaalala mo pa ba nung sinabi mong ako lang talaga?
ako’y di makapaniwala at sadyang nabahala
ika’y di nagsalita, walang kibo sa aking drama
kaya sagot sa tanong ko’y hindi na maikakaila

hindi ko maintindihan
iyong paliwanag akin namang pinakinggan
oras mong akin lang datirati
anung nangyari, ako sayo ngayo’y may kahati
masakit isipin, ika’y di matawag na akin
mahirap tanggapin, puso ko’y iyo pa ring alipin

ang mundo nating dalawa tila tuluyang pinaglayo
habang mga luha ay lubusang pinatutuyo
mga puso nati’y di na pinagtagpo
dahil na rin sa sugat na natamo

No comments:

Post a Comment