hindi malaman ang gagawin
sa tuwing nakikita kang nakatingin
iyo na bang napapansin
ang aking mga nakaw na tingin
ako’y puno ng kaba tuwing lalapit ka
natutulala naman pag kaharap ka na
ang mga nais iparating
tila hindi ko kayang sambitin
kung kaya ko lang tanggapin
ang iyong sagot sa aking pag amin
madali sana itong sabihin
ngunit hindi ko kayang gawin
hanggang dito na lang ba ako
mananatiling takot
sa nararamdaman para sayo
hanggang dito na lang ba ako
aasa na lang
sa lihim na pagtingin sayo
huwag mo sanang mapansin sa mga kilos ko
dahil hindi ko kayang marinig mula sayo
na siya at hindi ako ang pipiliin mo
**My friend asked me to make this poem for this girl.
No comments:
Post a Comment