Ad Sense

Thursday, October 30, 2008

Mata

nakapagtataka, bat ako’y sumasaya
sa tuwing nakikita ka
ninanais na makasama ka

sa sandaling masilayan ka
mundo ko’y nag iiba
tumitigil at nagsasaya

ang pagmasdan ka
ay ang tangi kong ligaya
araw ko’y iyong pinagaganda

ano bang meron ka
na di makita sa iba
nakakahumaling ang titigan ka
nahuhulog ako sayong mga mata
hinahanap hanap ka
pag sa paningin ko’y nawawala ka na

kailan ba kita makikilala?
makakausap at makakasama?
kailan ba? kailan kaya?

No comments:

Post a Comment